Van ni Kristine Hermosa nakapatay

CAVITE —  Isang tin­edyer na lalaki ang kumpir­madong namatay samanta­lang nasa kritikal na kalaga­yan ang nobya nito maka­raang salpuk­in ng van ng aktres na si Kris­tine Her­mosa, ang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng Barangay Garipa sa bayan ng Maragondon, Cavite, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Insp. Sanji Butac, deputy chief of police ng Maragondon, ang na­matay na si Ramon Davis Jr., habang inoobserbahan naman si May­zel de Guz­man, 18, kapwa resi­dente sa bayan ng Dasma­riñas, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, papauwi na sana ang magnobyo habang magka­angkas sa motorsiklo nang mag-overtake sa sasakyang nasa harap nila at makasa­lubong naman ang sasak­yang Hyundai van ng aktres na may plakang ZKU-327 bandang alauna ng hapon.

Naisugod ng taumbayan ang mga bikima sa San Lo­renzo Ruiz Hospital, saman­ talang sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang driver ni Hermosa na si Francisco Manarang Jr.

Namatay habang ginaga­mot si Davis dahil sa matin­ding mga sugat sa ulo at ka­tawan, samantalang nasa intensive care unit si De Guz­man na ilang buwang buntis din, ayon sa mga doctor na gumagamot. Nakahanda naman mag­bigay ng kauku­lang tulong si Kristine Her­mosa na noo’y sakay ng van nang maganap ang aksidente.

Samantala, sumasailalim pa rin sa imbestigasyon ang dray­ber ni Hermosa habang hini­hintay ang pagdating ng mga magulang ng mga biktima sa himpilan ng Maragondon PNP.  (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

Show comments