Ambush: 2 dedo, 6 kawal grabe

CAMP CRAME — Dalawa-katao kabilang ang isang sundalo ang iniulat na nasawi habang anim namang kawal ng Phil. Army 65th Infantry Battalion ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa highway na sakop ng Barangay Bolinao sa bayan ng Baras, Catanduanes kamakalawa. Kabilang sa napatay ay sina Pfc.  Dypiangco at ang sibilyang driver na si Edgar Pinili. Sugatan naman ang mga sundalo na tinukoy lamang  sa mga apelyidong 2Lt. Dumpol, Pfc. Rubiales, Pfc. Dolor, Pfc. Antonio, Pfc. Luwan at si Pfc. Obispo. Napag-alamang lulan ng pribadong sasak­yan ang mga sundalo na minamaneho ni Pinili patungo sa bayan ng Virac nang tambangan ng mga rebelde. Danilo Garcia

 

Show comments