^

Probinsiya

2 estudyante nilamon ng ilog

-

CAMP AGUINALDO  — Trahedya ang sumalubong sa magkakaibigang estudyante ng Dagupan Maritime  School makaraang malunod ang dalawa sa mga ito habang  tuma­tawid sa ilog na pinaniniwalaang mga lango sa alak kama­kalawa ng hapon sa Barangay Tambac, Dagupan City, Pangasinan. Kabilang sa magkaibigang nasawi ay sina Michael Jesus Gambay ng Alaminos, Pangasinan at Sherwin Alvarez ng Nueva Ecija, samantala, nakaligtas naman si Jericho Baysec. Napag-alamang nag-iinuman ng alak ang tatlo nang nagkasu ndong bumalik na sa boarding house ni Baysec na nasa  kabilang pampang  ng ilog. Habang tumatawid sa ilog ay biglang nawala ang dalawa hanggang sa lumutang ang bangkay ni Gambay dakong alas-2  na ng madaling-araw kahapon, habang pinagha­hanap pa rin ang bangkay naman ni Alvarez. Pinani­niwalaan namang sa sobrang kalasingan ay hindi na nagawang makalangoy ng dalawang biktima. Joy Cantos

Mag-utol inatado ng adik

CAMARINES NORTE — Nasa malubhang kalagayan ang mag-utol na batang lalaki makaraang pagsasaksakin ng isang adik sa droga na animo’y sinapian ng masamang  espiritu sa naganap na insidente sa Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Kasa­lukuyang ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mag-utol na sina Joseph, 9; at Jonard Estrella, kapwa kapitbahay ng suspek na si Joseph Sayno, 27, ng Purok 3 ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, naglalaro ang mag-utol nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek sa labas ng bakuran ng kanilang bahay. Nasakote naman ng mga opisyal ng barangay ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon. Francis Elevado

7-anyos minolestiya ng lolo

RIZAL — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 65-anyos na lolo makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong panghahalay ng isang 7-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya, ang suspek na si Eduardo Cunana, alyas Lolo Eddie, habang nagreklamo naman ang ina ng biktima sa himpilan ng pulisya kaya nasakote ang matanda. Sa ulat ni P01 Ana Marie Francisco, pinaunlakan naman ng biktima ang paanyaya ng suspek na tumungo sa bahay para kunin ang mga gulay at prutas. Subalit ginawan ito ng kahalayan ng suspek na naaktuhan naman ng ina ng bata. Agad na humingi ng tulong ang ina ng bata  para masakote ang matanda. Edwin Balasa

vuukle comment

ANA MARIE FRANCISCO

BARANGAY BAGASBAS

BARANGAY TAMBAC

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with