^

Probinsiya

480 kawani nangangambang masibak

-

BALAYAN, Batangas  — Labis-labis ngayon ang pangamba ng mga mang­gagawa ng Steel Corpo­ration Philippines (SCP) kabilang na ang kanilang pamilya matapos mapaba­litang isasailalim sa rehabi­litasyon ang naturang kum­panya na pinaniniwalaang nabaon ito sa bilyun-bilyong pisong pagkakautang sa banko.

Ayon kay Nelson Ma­mangon, presidente ng Steel Corporation Labor Union, nagbibigay ng demo­ralisasyon sa katulad niyang manggagawa ang balitang kumalat sa posibleng nala­lapit na pag-take-over o re­ceivership ng Equitable PCI Bank sa kanilang kum­panya.

“Nangangamba kaming mga manggagawa na ma­aring magkaroon ng con­tractualization sa work force kapag tinake-over na ng nabanggit na bangko ang aming kumpanya,” pa­hayag ni Mamangon.

Ang Steel Corporation Philippines(SCP), na pag-aari ng negosyanteng si Abeto Uy, ang isa sa pinaka­malaking pagawaan ng bakal sa Pilipinas, na may singkuwenta porsyentong market share sa coated flat steel roofing.

Nang magsimula ang SCP, umutang ito ng additio­nal capital sa Equitable PCI Bank ng ilang bilyong piso para punuan ang kakula­ngan sa pondo ng  construc­tion ng kumpanya para maging operasyunal ito.

Ngunit tulad ng ma­raming pagawaan sa Pili­pinas, naapektuhan ito ng 1997 Asian Financial Crisis hanggang sa hindi na ito makapagbayad ng kabu­uang utang na umaabot sa P7.9-bilyon.

Umabot sa korte ang usa­pin at kasalukuyang naghihintay na lamang ng kautusan kaugnay sa ipa­patupad na rehabilitasyon. Arnell Ozaeta

ABETO UY

ANG STEEL CORPORATION PHILIPPINES

ARNELL OZAETA

ASIAN FINANCIAL CRISIS

NELSON MA

SHY

STEEL CORPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with