Anak isinama sa hukay
Pinaniniwalaang naglason muna ang isang 60-anyos na matandang babae bago nito pinainom ng nakalalasong kemikal ang kanyang baldadong anak na babae upang magkasama sila sa hukay sa
Kinilala ang mga biktimang sina Juanita Aguinaldo at ang anak nito na si Nora Aguinaldo, 37, pawang residente ng Barangay Cabungaan ng naturang lungsod.
Ang bangkay ng mag-ina ay nadiskubre kamakalawa sa kanilang tahanan ng isa nilang kamag-anak. Ayon naman sa pulisya, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagpapakamatay ng mag-ina pero, ayon sa mga kamag-anak ng biktima nabanggit ng matanda noong nabubuhay pa ito na hindi niya iiwang mag-isa ang kaniyang anak dahil walang maga-alaga rito.
Nagtataka naman ang mga kamag-anak ng mag-ina kung paano uminom ng kemikal si Nora dahil hindi ito masyadong nakakagalaw. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending