Pulis sinugod ni misis
Halos nabulabog ang Riverside Hospital sa
Kinilala sa ulat ang lalaki na si Senior Superintendent Charles Calima na kasalukuyang visiting dean ng College of Arts and Sciences ng West Negros College sa nasabing lungsod.
Natuklasan umano ng abogadang misis ni Calima na nagsilang ng batang babae ang kalaguyo nito kaya sinugod niya ito sa Room 407 ng ospital.
Walang nagawa si Calima kundi sundin ang kanyang asawa at iwan ang kanyang nanganak na kalaguyo dahil na rin sa pananakot ng kanyang misis na iiskandaluhin siya nito, ipakukulong at sasampahan ng kasong concubinage sa piskalya ng lalawigan.
Mula sa naturang pagamutan ay tumuloy ang mag-asawa sa isang hotel sa Bacolod City.
Tinangka umano ng ginang na humingi ng police assistance sa kanyang pagtungo sa ospital subalit pinigilan siya ni Calima at sinaktan pa umano siya nito.
Gayunman, nakahingi parin ng tulong ang ginang sa isang nagngangalang PO2 Alejano at Molato subalit nang makita nila ang kanyang mister ay nginitian lamang nila ito.
“Kilala ang husband ko rito kaya walang mangahas umaresto sa kanya,” pahayag ng ginang.
Tiniyak din ng ginang na magsasampa siya ng kasong concubinage at adultery laban sa pulis at sa kalaguyo nito.
Bagamat inamin din ng ginang na pangalawang asawa lamang siya ni Calima ay sinabi nitong may karapatan siyang magsampa ng kaso dahil kasal sila ng opisyal bago pinakasalan nito ang kanyang umano’y kalaguyo noong Hulyo 22, 2007.
- Latest
- Trending