Honda CRV ng co-host ni Kuya Germs kinarnap
GUIGUINTO, Bulacan —Patuloy ang paglala ng insidente ng carjacking sa Bulacan na ang pinakahuling biktima ay ang ex-actress at co-host ni Kuya Germs sa “Walang Tulugan” na si Shirley Fuentes na natangayan ng kotseng Honda CRV sa Lungsod ng Meycauayan, Bulacan noong Martes ng gabi.
Ayon kay Fuentes (Ma. Cecilia Magmayo sa tunay na buhay), nagpunta sila ng kanyang dalawang kaibigang lalaki
Habang nasa loob ng bahay si Fuentes ay biglang may lumapit sa kanyang kotseng Honda CRV na tatlong maskaradong kalalakihang sakay ng kulay itim na Mitsubishi Adventure.
Ayon pa kay Fuentes, papalabas na siya ng bahay nang makita at maganap ang kaguluhan kayat agad siyang nagtago dahil sa takot na madamay.
Pinababa sa Honda CRV 2004 Model (XHX-573) ang dalawang kaibigan ni Fuentes na sina Rolando Mostrado at Ricardo Digos bago tinangay ang nasabing kotse.
Duguan naman sina Mostrado at Dignos dahil pinagpapalo ng baril ng mga carjacker at kasama sa tinangay ang ’di-nabatid na halaga, celfone, laptop, camera at iba pang gamit ni Fuentes.
Nairita si Fuentes dahil inabot ng isa’t kalahating oras bago rumesponde ang pulisya sa krimen.
Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na grupo ng kilabot na “Abuyog Gang”, ang tumangay sa CRV ni Fuentes. Dino Balabo at Joy Cantos
- Latest
- Trending