^

Probinsiya

Computer shop grinanada

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY — Labin­dalawang estudyante ang malubhang nasugatan ma­karaang pasabugan ng gra­nada ng ’di-kilalang lalaki ang isang computer shop, sa harapan ng Saint Louis University (SLU) sa Baguio City noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga bikti­mang tinamaan ng shrapnel ng Granada ay sina Jan Rafanan Robles, 20; Oliver Calara Padua,19; Tony Ategaera Cardenas,18: Mark Alvin Agyao Guerrero, 23: Pee Jee Iglesias Balegan, 22; Edward Perez Casulla, 25; Alexandre Quijada Vil­larin,18; Angelo Magsino, 22; Allan Pongtilan Catu, 20; Leeroy Pagador,19 at si MJ Calugdan, 18, na pawang es­tudyante ng Saint Louis University.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Moises Guevarra, Baguio City police director, naitala ang insidente dakong alas-5:50 ng hapon habang ang mga biktima ay nasa loob ng Control Shift Com­puter Shop sa may ground floor ng Anita Building sa Bonifacio Road.

Sa salaysay ni June Mi­ randa, na bago maganap ang pagsabog ay namataan niya ang isang lalaki na nakatayo sa may hagdanan na nakasuot ng camouflage na short pants at pasilip-silip sa nasabing computer shop.

Nakita rin ng ilang bys­tanders, ang mabilis na pagtakbo ng ’di-kilalang lalaki na papalabas ng nasabing gusali matapos sumabog ang computer shop.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa gang war at fraternity ang naganap na pagpapasabog dahil ang mga biktima ay pawang estudyante ng SLU. Dagdag ulat ni Joy Cantos

ALEXANDRE QUIJADA VIL

ALLAN PONGTILAN CATU

ANGELO MAGSINO

ANITA BUILDING

BAGUIO CITY

BONIFACIO ROAD

SAINT LOUIS UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with