Shootout: 3 opisyal ng barangay, 1 pa dedo
TACLOBAN CITY — Apat-katao kabilang na ang tatlong opisyal ng barangay ang iniulat na napaslang habang apat iba pa ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na pananambang sa bisinidad ng Purok 7, Barangay Calapi sa bayan ng Motiong, Samar noong Miyerkules ng gabi.
Kabilang sa mga biktimang napatay ay sina Barangay Carnas Chairman Bedasto Dacatimban, Barangay Councilor Ernesto General, barangay tanod Benito Dacutanan at ang magsasakang si Simplicio Ebit, 54.
Ginagamot naman sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City sina Benjamin Dacatimban, SK Chairman Jonathan Dacutanan, Noel Cabael at si Wilson Garen.
Kasalukuyan namang nawawala sina Jaime Dacutanan at Richard Dacatimban.
Inaalam naman ni P/Chief Supt. Teodorido Lapuz IV, deputy regional director for administration, kung may kaugnayan ang krimen sa nalalapit na synchronized barangay at SK elections sa Oktubre 29.
Sa ulat ng pulisya, tinambangan at napatay si Councilor General ng mga ’di-kilalang kalalakihan, habang nakaligtas naman ang kanyang asawang si Leona at ilang kasamahan sa bisinidad ng Barangay Canva-is sa bayang nabanggit.
Kasunod nito, inambus at napatay sina Benito, Simplicio at Bedasto habang sakay ng multicab sa kahabaan ng provincial road na sakop ng Purok 7 sa Poblacion ng Barangay Calapi sa bayang nabanggit.
Hindi naman inaalis ng ilang opisyal ng pulisya na may kinalaman ang pananambang sa barangay at SK election na ngayon (Sept 29) ang unang araw ng filing ng certicate of candidacy. Miriam Desacada
- Latest
- Trending