^

Probinsiya

30,000-katao apektado ng tubig-baha

-

CAMP CRAME – Umaabot na sa 30,000 residente ang malubhang naapektuhan ngayon ng tubig-baha dulot ng matinding pag-ulan sa Iloilo City kung saan maging ang milyong panamin na gulay ay apektado.

 Sa ulat na ipinarating ng Iloilo Crisis Management Unit sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), aabot na sa 8,006 pamilya mula sa Barangay Kaingin sa bayan ng LA Paz at Bonifacio ang naapektuhan ng tubig-baha.

Malaki rin ang pinsalang idinulot ng buhawi sa isang esku­welahan sa bayan ng Buntatala, Jaro kung saan masuwerte namang walang iniulat na nasawi.

Dahil dito, pinag-aaralan na sa ngayon ng provincial go­vernment na isailalim sa state of calamity ang na­banggit na lungsod kasunod nang pagbibigay ng financial assistance sa mga biktima ng kalamidad.

Base sa ulat, may 10 araw nang bumubuhos ang ulan sa nabanggit na lungsod sanhi ng hanging habagat bu­nga ng panibagong bagyo na pumasok sa bansa. Danilo Garcia

BARANGAY KAINGIN

BONIFACIO

BUNTATALA

DAHIL

DANILO GARCIA

ILOILO

ILOILO CRISIS MANAGEMENT UNIT

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with