CAMP CRAME — Natunton ng mga awtoridad ang itinuturing na malaking bodega ng armas ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang operasyon sa Quezon kamakalawa. Batay sa report ng Philippine Army, dakong alas-2 ng madaling-araw nang salakayin ang pinagku kutaan ni Juanito Mendoza, dating secretary general ng Kilusang Sanggunian Pampropaganda ng NPA sa Barangay Sabang, Tagkawayan, Quezon.
Gayunman, nabigo ang security forces ng PNP at Army’s 74th Infantry Battalion na maaresto si Mendoza. Narekober sa raid ang tatlong baril, mga bala, dalawang night vision googles, isang binocular at limang blasting caps na ngayon ay nasa storage room ng Intelligence Unit ng Army. Joy Cantos