30 bahay pinalis ng buhawi
SAN MIGUEL, Bulacan — Muling nanalasa ang isang buhawi sa silangang Bulacan kahapon ng umaga na sumira sa may 30 kabahayan, mga punongkahoy at pananim sa mga Barangay Cambio, Buga at Tinambangan.
Ayon kay Rodolfo Santos, hepe ng Provincial Disaster Coordinating Office, walang iniulat na nasugatan sa pananalasa ng buhawi na ikaapat sa loob lamang ng 24 na araw sa Bulacan
Matatandaan na noong Hulyo 30, sinagasaan ng buhawi ang bayan ng Bustos, pagkatapos ay ang bayan ng Baliuag kung saan ay halos 58 bahay ang nasira.
Matapos ang isang linggo noong Agosto 7, ang mga barangay Pinac-pinacan at Capihan sa
Ayon kay Jun Dalida, tornado expert ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), ang mga naitalang buhawi sa Bulacan ay mas mahina kumpara sa mga buhawing nananalasa sa Amerika.
Isa sa palatandaan na maaaring magkaroon ng buhawi ay kapag may makapal at maitim na ulap sa himpapawid na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
Sinabi niya na isa sa dahilan kung bakit madalas magkaroon ng buhawi sa Bulacan ay dahil na rin sa ang bansa ay nasa tropical maritime setting.
Iginiit pa ni Dalida na sa loob ng 10-taon, nakapagtala ng kabuuang 172 buhawi sa bansa kung saan ay pinakamaraming insidente sa mga buwan ng Hulyo (31), Agosto (21) at Setyembre (27). Dino Balabo, Boy Cruz, Joy Cantos at Ric Sapnu
- Latest
- Trending