^

Probinsiya

Trento Mayor lumantad sa NBI

- Ni Grace Amargo-Dela Cruz -

Lumantad na kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Trento Mayor Irenea “Nene” Hitgano upang linawin na siya at ang kanyang asa­wang si dating mayor Esco­lastico “Eti” Hitgano Sr. ay biktima ng ‘black propaganda ng mga kalaban sa politika noong nakalipas na eleksyon.

Sa NBI Anti-Organized Crime Division, ipinaliwanag ng mag-asawang Hitgano ang mga hinaing laban sa kanila at nangakong magha­hain sila ng pormal na affidavit sa Martes.

Hindi naman pinigil ng mga tauhan ng NBI ang mag-asawang Hitgano dahil wala pang sapat na ebiden­sya at hindi pa naman naisa­sampa ang pormal na kaso sa prosecutor’s office.

Sinabi pa ng mag-asawa na handa nilang harapin ang mga alegasyon ng self-confessed killer na si Elmo Nu­mancia na napaulat na may mga kasong kriminal at na­ging bodyguard ni Rolando Abutay. Si Abutay ay kuman­didato sa pagka-mayor noo­ng May 14 elections sa bayan ng Trento subalit natalo ng misis ni “Eti” Hitgano na si “Nene” Hitgano.

Samantala, sampung bagong testigo naman ang lumutang at handang magbi­gay ng salaysay sa NBI laban sa dating mayor na si Esco­ lastico Hitgano Sr. na na­unang isinangkot sa patayan sa nabanggit na bayan.

Kabilang sa mga napa­ulat na pinatay sa Trento, base na rin sa salaysay ni Nu­man­cia, ay sina Wences­lao “Islaw” Llames at Alejan­dro Fuentes Jr, alyas Jun Fuentes.

Base sa record na na­kalap ng PSN mula sa provincial warden, si Fuentes na may mga kasong kriminal ay nakapiit ngayon sa Davao Penal Colony sa Panabo City matapos na pumuga at masakote sa Provincial Correctional Services sa Pros­pe­­ridad, Agusan del Sur noong Pebrero 10, 1991.

vuukle comment

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

DAVAO PENAL COLONY

ELMO NU

ESCO

ETI

FUENTES JR

HITGANO

HITGANO SR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with