LUCENA CITY — Anumang araw mula ngayon ay sisimulan na ang pagtatanim ng tuba-tuba (jathropa) sa 50,000 ektarya ng lupain sa Quezon na gagawing “ Jathropa plantation” bilang bahagi ng livelihood program ni Governor Raffy Nantes at suporta ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng RA 9637 o Biofuels Act of 2006 ng pamahalaan. Nagkaroon ng katuparan ang proyekto kasunod ng isinagawang lagdaan ng Memorandum of Understanding ( MOU ) kamakailan sa Taguig sa pagitan nina Governor Nantes, Vice-Governor Kelly Portes, Philippine National Oil Company-Alternative Fuels Corporation ( PNOC-AFC ) president and CEO Peter Anthony Abaya at Chairman of the Board Renato Velasco. Inatasan na ni Governor Nantes ang kanyang Economic Team sa pamumuno ni Ex-Governor Eduardo Rodriguez na magsagawa ng pag-aaral at pananaliksik sa 39 bayan at 2 lungsod ng Quezon na posibleng gawing jathropa plantation. Tony Sandoval