Grenade blast: 11 katao sugatan

KIDAPAWAN CITY —Aabot sa labing-isa katao sa naganap na magkakahiwalay na pagsabog sa central Min­danao, noong Huwebes.

Sa bayan ng Arakan, North Cotabato, siyam na kalalaki­han na nag-iinuman ng alak sa maliit na tindahan sa Ba­ rangay Gambudes ang na­sugatan matapos na sumabog ang ini­hagis na granada ng suspek na si Christopher Musota, 26.

Sa ulat ni P/Insp. Joyce Birrey, spokesperson ng North Cotabato PNP, nainsulto si Mu­sota sa isang lalaki ng ka­inu­man kaya nagbanta na pasa­sabugan ng granada.

Napag-alamang umalis si Musota sa grupo ng kalalaki­han at nang babalik ay nag­hagis ng granada.

Agad namang nasakote ng mga barangay tanod si Musota at ngayon ay nakapiit sa him­pilan ng pulisya.

Samantala, sa Cotabato City, sugatan ang isang pulis na si SPO1Julius Perez at mi­sis nitong si Genevieve ma­tapos na sumabog ang ini­hagis na gra­nada pasabugan ng ’di-kila­lang lalaki sa kanilang ba­hay habang nagpapahinga ang mag-asawa noong Huwe­bes.

Ayon kay P/Senior Insp. Willy Kasuyo, spokesman ng Cotabato City PNP, posibleng may kinalaman sa trabaho ni SPO1 Perez ang pagpapa­sabog. Malu Cadelina Manar at Joy Cantos

Show comments