SUBIC BAY FREEPORT — Tatlumpu’t-dalawang pampasaherong eroplano mula sa Hong Kong at Taiwan ang pansamantalang lumapag sa Subic Bay International Airport kamakalawa upang umiwas sa nakatakdang pagpasok at paghagupit sa kanila ng bagyong “Egay” na ngayon ay isang super typhoon.
Lumapag sa runway ng SBIA ang commercial plane na Far Eastern Air Transport MD80 ng Taiwan at ang higanteng courier cargo ng Federal Express (FedEx) at ang 18-eroplano nakabase sa Hong Kong ang inaantabayanan na ng airport personnel.
Dalawa sa labing-apat na eroplano ang nagsimulang lumapag sa runway ganap na alas-2 ng hapon sa paliparan ng Subic Bay na may kabuuang 22-crew na ngayon ay naka-billeted sa mga hotel sa Freeport. Jeff Tombado