^

Probinsiya

Trader, treasurer dinukot

-

CAMP AGUINALDO — Di­nukot ng mga armadong kala­lakihan ang dalawang kalalaki­han kabilang na ang isang municipal treasurer sa naga­nap na magkahiwalay insi­dente ng kidnapping sa Isabela at Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang da­lawang dinukot na sina Mario Calumpit ng Cali­nauan, Ma­lasin. Sto. Tomas, Isabela; at Manoramas Hadji Hasan, 45, ng Maro­gong, Lanao del Sur.

Ayon sa ulat, si Calumpit ay dinukot ng mga arma­dong kalalakihan habang umiihi ang biktima sa labas ng kanilang bahay bandang alas-7 ng gabi na mismong ang kanyang misis na si Magda ang naka­saksi. Ki­na­bukasan ay naka­tang­gap ng text message si Magda mula sa mga kidnaper na humihingi ng P.5 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng kanyang mister.

Samantala, si Hasan na­man ay dinukot sa labas ng Phil. National Bank sa kaha­baan ng Perez Street sa Ma­rawi City sa Lanao del Sur.

Lumitaw sa pagsisiyasat na isinumite sa Camp Cra­me, na inabangan si Hasan na luma­bas ng banko bago tinutukan ng baril at isinakay sa kotseng may plakang TSB-191 na pag-aari na­man ng isang Mangurun Sul­tan, alyas Manner ng Ma­rogong, Lanao del Sur. Joy Cantos

ISABELA

JOY CANTOS

LANAO

MAGDA

MANGURUN SUL

MANORAMAS HADJI HASAN

MARIO CALUMPIT

NATIONAL BANK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with