BATAAN – Tatlo-katao ang iniulat na nailigtas mula sa lumubog na yate ng isang congressman ng Romblon matapos na balyahin ng malaking alon sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan kamakalawa.
Kabilang sa mga biktimang naisalba ng mga awtoridad ay sina Enrico Taruc, boat captain; Jose “Joe” Angeles assistant boat captain; at Carlos Fornadero, yacht supervisor.
Ang tatlo ay pawang kawani ni Romblon Rep. Eleandro Madrona na may-ari ng yate na lumubog dahil sa masungit na panahon dulot ng bagyong “Egay”.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Benjamin Silo, hepe ng pulisya sa bayan ng Mariveles, nabatid na kasalukuyang pabalik na sa Maynila mula sa Subic Bay Freeport ang nasabing yate nang hampasin ito ng malalaking alon na may kasamang inaanod na torso sa karagatang sakop ng Barangay Nagba yog-Talaga sa Mariveles.
Nagawa namang makapagsuot ng mga life jacket ang tatlong kawani ng solon bago tuluyang lumubog ang sasakyang dagat.
Ang mga ito ay nailigtas ng mga nagrespondeng elemento ng search and rescue team ng lokal na pamahalaan sa Bataan na kalapit lamang ng Zambales. Jonie Capalaran at Joy Cantos