^

Probinsiya

Mag-utol dinedo; ina, katulong grabe

- Joy Cantos -

CAMP AGUINALDO — Niratrat at napatay ng mga di-kilalang kalalakihan ang mag-utol na lalaki habang nasa kritikal namang kala­gayan ang kanilang ina at katulong na babae sa pani­bagong karahasan na na­ganap sa bayan ng San Fernando, Cebu kama­kalawa.

Napuruhan ng mga bala ng baril sina Crispin Llanto Jr., 34 at kapatid nitong si Emmanuel, 32; habang sumailalim sa masusing obserbasyon sina Evange­line, 69, ina ng mag-utol; at katulong na si Lolita Villaber, 47, na nasa South General Hospital sa bayan ng Naga.

Napag-alamang sina Evangeline at Villaber ay ikinokonsidera ng mga aw­toridad na pangunahing tes­tigo sa naganap na pama­maslang.

May teorya si P/Chief Insp. Antonieto Cuyos, hepe ng pulisya sa bayan ng San Fernando, na alitan sa lupa ang motibo ng pamamas­lang sa mag-utol na na­ganap dakong alas-10:30 ng umaga sa harapan ng tahanan ng pamilya Llanto sa  Barangay Sangat.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na kabababa lamang ng mag-iina at ng kanilang katulong  sa pam­pasaherong multicab nang sumulpot at magsi­mulang mamaril ang da­lawang mas­karadong kalalakihang sakay ng motorsiklo.

Bulagta agad ang apat habang narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng 9mm at limang basyo ng bala ng cal.45.

Lumilitaw pa sa pagsi­siyasat na ang mag-iina ay dumalo sa paglilitis ng San Fernando Municipal Trial Court kaugnay ng kasong isinampa nina Agustine Dalo Jr., Teroy Enad at Andrei Racaza kaugnay sa ilegal na pamumutol ng punongkahoy sa lupain ng pamilya Llanto.

vuukle comment

AGUSTINE DALO JR.

ANDREI RACAZA

ANTONIETO CUYOS

BARANGAY SANGAT

CHIEF INSP

PLACE

SAN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with