1 todas sa car crash

Isang  driver ang nasawi  habang sugatan naman ang limang estudyante makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang punongkahoy sa Los Baños, Laguna kamakalawa.

Agad na nasawi ang driver na si Allen Sapin, 20, binata at residente ng Mayondon, Los Baños.

Ang mga nasugatan na sina Neil de la Peña, 18, ng Nagcarlan, Laguna; Chino James Sison, 19; Raymund Hernandez, 18; Reynaldo Rasdas Jr., 20 at Joseph Christian, 22, ay  pawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños. (Joy Cantos)

Show comments