^

Probinsiya

20 bayan sa Pampanga lumubog

-

Umaabot sa halos 400,000 katao ang naapektuhan ma­tapos na lumubog sa baha ang may 20 bayan sa Pam­panga dulot ng malalakas na pag-ulan simula pa nitong nakalipas na linggo hang­gang sa pagbayo ng bag­yong Egay.

Sa report ng National Disaster­ Coordinating Council, mula sa dating bilang na 325, 871 naapektuhan ng mag­kasunod na bagyong Chedeng at Dodong ay tumaas na sa 372,458 katao ang apektado ng bagyong Egay na patuloy na nagdu­du­lot ng monsoon rains sa Luzon simula pa noong Miyerkules.

Kabilang sa lumubog sa baha ang  Lubao, Arayat, Ma­santol, Apalit, San Luis, Mabalacat, Magalang, Flori­dablanca, Minalin, Mexico, Macabebe, Sasmuan, Can­daba, Sta. Ana, Guagua, Ba­color, Sta. Rita, San Simon, Sto. Tomas at San Fernando City.

Ayon sa NDCC, may 1, 017 katao ang inilikas sa Mexico, Guagua at bayan ng Bacolor habang may 35 kaba­hayan rin ang tuluyang winasak ng kalamidad at 35 ang bahagyang napinsala.

Sa Albay, nasiraan ng makina ang isang barko na inooperate ng isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Rapu-Rapu kaya napilitan munang kumanlong sa Balabagon, Manito ng lalawigan. Nasa ligtas na­mang kalagayan ang lahat ng pasahero at mga tripu­lante nito.

Sa lalawigan ng Aparri, Cagayan, 70 pasahero ng isang maliit na sasakyang pandagat ang pansamantala munang humimpil sa Brgy. Mankaya bunga ng malakas na hangin at ulan na dala ni Egay.  (Joy Cantos)

COORDINATING COUNCIL

EGAY

GUAGUA

JOY CANTOS

NATIONAL DISASTER

SA ALBAY

SAN FERNANDO CITY

SAN LUIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with