^

Probinsiya

14 hitmen ng ‘killer mayor’ kinilala

- Nina Grace Amargo-dela cruz at Rose Tamayo-Tesoro -

Aabot sa labing-apat na hitmen ni dating Trento Mayor Escolastico Hitgano Sr., na pinaniniwalaang inu­tusan para itumba ang mga kaaway sa politika, ang isini­walat ang pagkikilanlan ng self-confessed killer na si Elmo Numancia.

Sa ibinigay na listahan ni Numancia sa National Bureau of Investigation, kabi­lang sa mga bayarang ma­matay-tao ni Hitgano ay sina Yoyong Melaspena Cur­tu­ban, na pumatay kay Rom­mel Sarabia; Jose “Macbol” Rodenas, Nelson “Toto” Peres, Radin “Toto LCI”  Ca­chuela, Reynaldo F. Panuga, Rene Funcobila, Ronie “Biboy” Funcobila, Rolando “Nonoy” Panuga, Teofilo “Jun” Hitgano Jr., Francisco Cuervo Jr., Boy Nacau Jr., Benjamin Conde, Rolando “Lando” Blanco at si SPO2 Artemio “Bon Jovi” Jovita.

Isiniwalat ni Numancia sa NBI ang mga pagkakakilan­lan ng  hitmen dahil na rin sa pangambang ipapatay siya ni dating Mayor Hitgano sa mga ito.

Si Numancia ay una ng sumuko sa NBI upang isiwa­lat ang lahat ng kanyang nalalaman sa modus ope­randi ng dating alkalde at ng asawa nitong si incumbent Trento, Agusan Mayor Irinea “Nene” Hitgano.

Sinibak na sa puwesto si SPO1 Tarcicio Valdehueza, bilang chief of police ng Trento dahil sa kapabayaan nito sa kanyang tungkulin.

Bunsod nito’y, maging si Valdehueza ay isasalang din sa imbestigasyon ng National Bureau of investigation (NBI).

Bukod kay Valdehueza, maging ang iba pang opisyal ng PNP sa Caraga Region ay masusi rin iimbestigahan ng NBI dahil sa hindi pagre-report sa mga nagaganap na political killings sa kanilang lalawigan.

Una na rin nagtungo sa NBI ang mga kaanak ng mga biktimang naunang ipina­patay ng  mag-asawang Hitgano  upang patotohanan ang mga alegasyon ni Nu­mancia laban sa mga ito.

AGUSAN MAYOR IRINEA

BENJAMIN CONDE

HITGANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with