^

Probinsiya

Curfew vs kabataan ilulunsad

-

LEGAZPI CITY — Nakatak­dang ipatupad ng local na pama­halaan ng Legazpi City ang curfew laban sa mga kabataan upang maiwasan ang ilang kara­hasang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng nabanggit na lungsod. Ayon kay Councilor Jim Andes, sa darating na linggo ay ilulunsad nila ang dry run ng curfew para sa mga kabataang may edad 15-anyos na karamihan ay nasa­sang­kot sa iba’t ibang krimen. Napag-alamang karamihang kabataan ay inaabot ng madaling-araw sa pagtitinda ng kakanin, pagbabantay sa mga sasakyan na pinagkakakitaan at ilan naman ay nalululong sa bawal na gamot. Magsisimula ang curfew bandang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw para may sapat na pahinga ang mga menor-de-edad na pumapasok sa mga pa­aralan. Inatasan na ng mga opi­s­yal ng local na pamahalaan ang kapulisan, mga tauhan ng Public Safety Office at ilang ahensya ng pamahalaan na magpapatupad ng naturang programa. Ed Casulla

AYON

COUNCILOR JIM ANDES

ED CASULLA

INATASAN

LEGAZPI

MAGSISIMULA

PUBLIC SAFETY OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with