P2.5M simbahan naabo

NUEVA ECIJA – Tinatayang aabot sa P2.5 milyong ari-arian ang naabo matapos na masunog ang malaking simbahan sa Ba­rangay Ganaderia, Palayan City, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Lumitaw sa imbestigas­yon,  nagsi­mula ang apoy sa ku­sina ng sim­bahan habang nagmi­misa si Rev Fr. Vic Cruz sa ibang lugar. Na­isalba sa sunog ang sina­unang rebulto ni St. Cecilia at Nazareno maging ilang antigong upuan. Wala naman iniulat na nasawi o nasu­gatan sa nangyaring insi­dente. Samantala, aabot naman sa P30 milyong ari-arian ang tinu­pok ng apoy matapos na masu­nog ang Gapan Public Market noong Linggo ng madaling-araw. Wala naman napaulat na na­sawi o nasugatan habang patuloy na sinisiyasat ang insidente. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments