^

Probinsiya

Mass grave ng NPA nahukay

-

Isa na namang “mass grave” ng mga hinihinalang bik­ tima ng “kangaroo court” ng New People’s Army ang nadiskubre ng Philippine Army sa bulubundukin ng lala­wigan ng Compostela Valley.

Sa ulat na ipinarating sa Kampo Aguinaldo, nadis­ku­bre ng mga tauhan ng Alpha company ng 25th In­fantry Battalion ng PA ang libingan sa Sitio Tagaytay, Mainit Village sa bayan ng Nabunturan.

Kinilala naman ng isang Rey Catanasan ang labi ng dalawa niyang kapatid na sina Roger at Nathaniel na biktima umano ng pama­mas­­­lang ng mga rebeldeng NPA.  Isa pang bangkay ang nakilala na si Rolando C. Bisa, tiyuhin ng magka­patid na Catanasan.

Ayon kay Maj. Rolando Rodil, isinailalim sa paglilitis ng kangaroo court ng NPA ang mga biktima noong Oktubre 2001 at hinatulan ng kamatayan sa hindi pa ma­batid na krimen. 

Posible rin na isinailalim pa sa ma­tinding torture ang mga bik­tima bago pinaslang sa pa­mamagitan ng pagbaril sa kanilang ulo.

Nanawagan naman si Rodil sa mga pamilya ng mga labi na nahukay na mag­sampa ng kaso laban sa mga rebelde upang matigil na ang naturang gawain ng mga ito. Danilo Garcia

vuukle comment

COMPOSTELA VALLEY

DANILO GARCIA

ISA

KAMPO AGUINALDO

MAINIT VILLAGE

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with