ABC president itinumba

CAMP AGUINALDO – Pi­nagbabaril hanggang sa ma­patay ang presidente ng  Asso­ciation of Barangay Chair­man na kakandidato muli sa Ok­tubre sa naganap na pani­bagong karahasan sa harapan ng Hall of Jus­tice sa Danao City, Cebu noong Biyernes.

Napuruhan sa ulo si Cre­sencio Estrera, 55, chair­man ng Brgy. Sta. Cruz, San Fran­cisco, Camotes Island, Cebu.

Napag-alamang kalala­bas lamang sa Danao City Hall of Justice ng biktima kasama ang dalawa nitong anak kaugnay sa kaso na nililitis at hinihintay ang dalawa nitong kapatid  na sina Eusebio at Pepito na pinaghanap nito ng pump boat para maghatid sa kanila sa San Francisco, Camotes Island nang lapi­tan at ratratin ng maskara­dong lalaki.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na­mang lumayo ang killer sakay ng kulay pulang mo­tor­siklo patungo sa direk­syon ng bayan ng Carmen.

Sa teorya ng mga imbes­tigador ng pulisya, na pag­hihiganti ang isa sa motibo ng krimen dahil may kasong murder na kinakaharap sa korte ang biktima at dalawa nitong kapatid.

Kasalukuyan namang ini­imbestigahan ang iba pang anggulo sa naganap na kri­men. (Joy Cantos)

Show comments