^

Probinsiya

10 bayan, 1 lungsod lumubog

-

PAMPANGA —  Uma­­abot sa 113-baran­gay sa sampung bayan at isang lungsod sa Pam­panga ang kasalukuyang lubog sa tubig baha dahil sa patuloy na buhos ng ulan sa Gitnang Luzon dulot ng dalawang bag­yong Chedeng at Do­dong. Sa ulat ng Provincial Disaster Coordina­ting Council, kabilang sa naapektuhan ay ang 18 barangay sa bayan ng Lubao, 24 barangay sa Masantol, Apalit (8), San Luis (2), Minalin (8), Mexico (11), Macabebe (25), Sasmuan (7), Can­daba (14), Sta. Ana (9) at sa City of San Fernando (7). Sang-ayon kay Lu­chie Gutierrez, executive officer ng PDCC, uma­abot naman sa 21,355 pamilya (99,830-katao) ang naapektuhan sa big­lang pagbaha sa nasa­bing mga barangay.

No­ong Miyerkules ng gabi, nakiisa sa rescue operations si Gov. Ed Panlilio sa mga pamilya sa Ba­ran­gay Calampeti sa bayan ng Apalit.Kahapon ng umaga, nagsagawa din ng ocular inspections si Panlilio sa mga baran­gay na naapektuhan ng pag­­baha. Samantala, ini­ulat ng Regional Department of Social Welfare  na da­lawa-katao ang na­matay matapos na ma­kur­­yente sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Kinilala ni Minda Bigorli, DSWD-3 director, ang mga bik­tima na sina Rotacio Valo­nes, 76, ng Barangay Ca­mias at Allan Tantoco, 33, ng Barangay Sacdalan. (Ric Sapnu/Resty Salvador)

ALLAN TANTOCO

BARANGAY CA

BARANGAY SACDALAN

CITY OF SAN FERNANDO

ED PANLILIO

MINDA BIGORLI

PROVINCIAL DISASTER COORDINA

REGIONAL DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

RESTY SALVADOR

RIC SAPNU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with