^

Probinsiya

35 barangay sa Bataan binaha

-

BATAAN – Aabot sa 5,250 pamilya mula sa tatlumput limang  baran­gay  sa dalawang bayan sa Bataan ang naapek­tuhan ng tubig baha dulot ng bagyong Chedeng at Dodong kamakalawa.

Sa ulat ni Jane Aguilar ng Office of the Mayor, aabot sa 20 ba­rangay sa bayan ng Di­nalupihan ang na­apektu­han hanggang sa kasalu­kuyan kabilang na ang mga Barangay Layac, Sta. Isabel, Lua­can, Pen­tor at ang Baran­gay Daan Bago. Saman­tala,  lumi­kas na rin ang mga resi­dente ng Baran­gay Alma­cin  kung saan umabot sa 8-talampakan ang lalim ng tubig baha, maging sa Barangay Culo (7 talam­pakan), Barangay A. Rivera, Saba at Balsic (4 talam­pakan). Binaha rin ang mga Barangay Dau­ngan, Cataning, Mabuco, Man­dama GRS, Burgos, San Pedro, Sto. Cristo at Barangay Pulo.

Nasa­lanta naman ang may 78 ektaryang tanim na saging sa bayan ng Bagac. Ka­salukuyang namimigay ng relief goods ang Provincial Disaster Coordinating Council sa pangu­nguna ni  Bataan Governor Enrique Garcia Jr. sa mga bayan ng Dinalu­pihan at Her­mosa katu­long sina  Mayor Joel Pa­yumo at Hermosa Mayor Efren Cruz. (Jonie Capalaran)

BARAN

BARANGAY A

BARANGAY CULO

BARANGAY DAU

BARANGAY LAYAC

BARANGAY PULO

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE GARCIA JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with