^

Probinsiya

Paging DENR Secretary Lito Atienza, help us!

-

Dapat  sigurong paimbestigahan ni newly appointed DENR Secretary Lito Atienza ang DMCI mining company sa Sta. Cruz, Zambales porke alaws daw itong permit sa kanyang tanggapan at maging kay Sta. Cruz Mayor Luisito Marty.

Ang balita ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakatirik pa raw dito ang mga sundalo ng Philippine Army sa ilalim ng pamumuno ni General Juanito Gomez, ng 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay Nueva Ecija.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natatakot daw ang mga taga-Sta. Cruz dahil mukhang may giyera na sa kanilang lugar.

Ayon sa asset nagkaroon pa umano ng special CAFGU sa nasabing lugar na tinuruan ng sundalo para iligtas sa anuman kapahamakan ang mga taga -Sta. Cruz pero ang nangyari raw ang minahan na walang permiso ang binabantayan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon pa daw ng memorandum of agreement tungkol sa pagbabantay ng mga sundalo sa bundok pero nang malaman daw ito ng mga taga-baryo ang MOA umano ay para bantayan ang minahan na walang permiso.

Ayon sa source, pati ang SAF ay nakatirik din sa isang minahan naman sa isang bundok sa Sta. Cruz.

“Bakit pinababayaan ng higher command ito?” tanong ng kuwagong api.

“Baka hindi alam,” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Ngayong alam na nila ano kayang aksyon ang gagawin nila tungkol dito?” tanong ng kuwagong mani­nisid ng tahong.

“’Yan kamote ang hindi ko alam.”  Abangan

AYON

CRUZ

CRUZ MAYOR LUISITO MARTY

FORT MAGSAYSAY NUEVA ECIJA

GENERAL JUANITO GOMEZ

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with