RIZAL – Sugatan ang limang magkakapatid makaraang gumuho ang bakod ng subdivision na tumabon sa bahay ng mga biktima sa Sitio Maligaya, Barangay Mambuyan sa Antipolo City, Rizal noong Miyerkules ng madaling-araw. Ayon sa Regional Disaster Coordinating Council. Kabilang sa mga nasaktan ay sina Arlene Ararong, 25; Ameriza, 21; Armida, 23; Angelo, 17; at si Adrian, 20, ayon kay P/Supt. Danilo Macerin, police chief ng Antipolo City. Bandang alas-4 ng umaga nang gumuho ang konkretong bakod ng Brentwood Subdivision na tumabon sa bahay ng mga biktimang natutulog. Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat, bumigay ang pondasyon ng bakod matapos tangayin ng tubig baha dahil sa walang tigil na ulan. Mabilis namang nagresponde ang mga kinauukulan at mga residente ng subdivision para hugutin ang magkakapatid mula sa gumuhong pader. Edwin Balasa