^

Probinsiya

Suspek sa murder ng 2 opisyal tiklo

-

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Pinaniniwalaang marere­solba ng pulisya ang pamamaslang sa bagong halal na alkalde at bise alkalde sa bayan ng Lupao sa loob ng sabungan noong Hunyo 15, ma­karaang masakote ang isa sa pitong pangunahing suspek sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

Iprini­sinta sa mga mamamahayag ni P/Senior Supt. Agripino Javier, Nueva Ecija police director, ang suspek na si Maximo dela Rosa na tubong San Antonio, Nueva Ecija. Sa record ng pulisya,  walang anumang kasong kriminal ang suspek at pinaniniwalaang ginamit lamang para patayin sina Mayor-elect Alfredo “Patty” Vendivil Sr. at Vice Mayor-elect Virgilio “Boyet” Vendivil Sr.

Inamin ng suspek sa pulisya na binayaran siya ng P30,000 ng isang alyas “Douglas,” na lider ng grupo para patayin ang dalawang opisyal.

Kinilala ng pulisya ang dalawa pa sa pitong suspek na sina Arvin Yasay at Abraham Esteban na kapwa taga-San Jose City at 4 na iba pa na inaalam sa kasalukuyan ang mga pangalan. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ABRAHAM ESTEBAN

AGRIPINO JAVIER

ARVIN YASAY

CHRISTIAN RYAN STA

NUEVA ECIJA

SAN ANTONIO

SAN JOSE CITY

VENDIVIL SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with