^

Probinsiya

Hog cholera sa Bulacan nalusaw

-

MALOLOS CITY, Bula­can — Upang patunayang na­lusaw na ang  hog cho­lera, tatlum­pung baboy ang nilitson para ihanda sa Lechon Fes­tival sa Bulacan kahapon.

Ayon kay Gob. Jonjon Men­doza, layunin ng festi­val ay upang patunayan na ligtas sa sakit ang mga baboy sa Bula­can na na­lagay sa hindi ma­gandang larawan dahil sa nagsul­putang ulat na lumabas sa iba’t  ibang pahayagan no­ong nakalipas na linggo.

Ang mga baboy na ni­litson ay ibinigay ng mga nag-aalaga ng baboy sa iba’t ibang bayang sakop ng Bulacan.

“Gusto naming patuna­yan na ligtas at malinis ang kar­neng baboy mula sa Bulacan at  walang dapat ikatakot ang mga con­su­mer,” dagdag pa ni Men­doza.

Aniya, ang pagpili sa mga baboy na nilitson ay nanga­ngahulugan lamang na tiwala ang gobyerno maging ang mga nagsisi­pag-alaga na ligtas kainin ang mga karneng baboy sa Bulacan sa kabila ng mga ulat na insidente ng hog cholera at swine flu.

Gayundin ang sinabi ni Secretary Arthur Yap sa kan­yang pagdalaw sa bayan ng Plaridel kahapon ng umaga na ang Bulacan at Pampanga ay hog cholera free na.

Ayon naman kay Dr. Felipe Bartolome, ang mga sakit ng baboy sa Bulacan ay mabilis na napigil dahil sa pamimigay nila ng bakuna at disinfectant sa mga nagnenegosyo ng baboy sa iba’t ibang bayan. (Dino Balabo)

AYON

BABOY

BULA

BULACAN

DINO BALABO

DR. FELIPE BARTOLOME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with