Mag-asawa inutas ng sekyu

LIPA CITY, Batan­gas – Bayolenteng kamata­yan ang sinapit ng mag-asawang mi­yem­bro ng Iglesia Ni Cristo (INC) matapos pagbabarilin ng kani­lang kapitbahay na security guard sa Bar­an­gay Maraouy, Lipa City, Batangas noong Biyer­nes ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. George Dadulo, hepe ng Lipa City police, ang napatay na mag-asa­wang sina Remedios, 33 at Myra Contillo, 25, ng Purok 2 sa nabanggit na barangay.

Nagtamo ng dala­wang tama ng bala ng baril sa ulo si Remedios, na isang security guard ng Deer Security Agency, samantalang namatay naman habang gina­gamot si Myra, na buntis ng dalawang buwan, sa Metropolitan Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa ka­ta­wan.

Ayon sa ulat, nag-uusap ang mag-asa­wang Contillo sa loob ng kanilang ta­h­anan nang du­ma­ting ang suspek na si Alex­ander Diang­kinay, 34, isa ding security guard ng Deer Security Agency bandang alas-11:30 ng uma­ga. Sa salay­say ng mga saksi, kinum­pronta ni Di­ang­­kinay, si Re­me­dios Contillo sa hindi pa ring ma­lamang da­hilan hang­­g­ang sa uma­lingawngaw ang sunud-sunod na putok.

Nang marinig ang mga putok, su­maklolo  naman si Myra sa kanyang mister, subalit pati siya ay pinagba­baril din ni Diang­kinay ng ilang ulit bago ito tumakas sa ’di-ma­lamang direk­syon.   

Show comments