^

Probinsiya

PNP pinakilos vs iligal na sugal

-

ZAMBALES  Inata­san ngayon ni Zambales Governor Amor Deloso ang lokal na pulisya na bantayan at siya­satin ang napaulat na operas­yon ng jueteng, ka­sabay ang panawagan na pangalagaan ang malayang pamamahayag sa nabang­git na lalawigan.

Kasunod  nito  pinakilos  si P/Senior Supt. Arrazad Su­bong, provincial police director ang kanyang mga tauhan makara­ang mapa­ulat sa ilang paha­yagan ang pagsulpot ng mga kubrador ng jueteng sa ilang bayan sa Zambales.

 “Matagal na nating ipinatigil ang iligal na sugal na ito at ang gumagala na lamang ay mga nagpapa­taya ng lotto ng Philippine Charity Sweep­stakes Office at ng Small Town Lottery (STL) na may opisina sa Olongapo,” pahayag ni Deloso.

Nagpahayag din ng pag­kabahala ang opisyal ka­ugnay ng ulat na may ilang mama­ma­hayag ang nakata­tanggap ng pagba­banta dahil sa ka­ni­lang pagganap ng tapat sa tung­ku­lin bilang tagamasid ng bayan.

 “Dapat na tiyakin ng lokal na pamahalaan at ka­pulisan ang kaligtasan ng mga mama­mahayag dahil sila ang tinig at mata ng ma­mamayan na ipa­alam sa atin ang katiwalian at kata­patan sa loob at labas ng bawat ahensya ng gob­yer­no,” dagdag pa ni Deloso.

Hiniling naman ng na­sabing gobernador sa pub­liko na iparating agad sa kanyang tanggapan ang mga iregula­ridad na ka­nilang nakikita sa mga tang­gapan ng pamaha­laan sa Zambales para sa ka­ram­patang aksyon. Alex Galang

ALEX GALANG

ARRAZAD SU

DELOSO

PHILIPPINE CHARITY SWEEP

SENIOR SUPT

SHY

SMALL TOWN LOTTERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with