Auditor  itinumba

Pinagbabaril hanggang mapatay ang isang government auditor ng dalawang hindi pa nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa naganap na madugong pananambang sa Zamboanga City kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Vilma Eguias na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na ang isang tama nito sa likod na naglagos sa kaniyang kaliwang dibdib.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nagmamaneho ng kaniyang jeep nang sundan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki na sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Zamboanga City Police Chief Sr. Supt. Manuel Barcena na kasalukuyan nilang iniimbestigahan kung may kina­laman sa trabaho bilang auditor ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga ang motibo ng pamamaslang sa biktima. Joy Cantos

Show comments