^

Probinsiya

Mt. Bulusan sumabog

-

LEGAZPI CITY — Uma­bot sa lungsod ng Legazpi ang ibinugang makapal na abo ng Mt. Bulusan ma­ka­raang dumagundong at su­mabog kahapon ng umaga.

Naitala ng Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs), ang pagsabog dakong alas-9:37 ng umaga matapos ang pagyanig at malakas na dagundong na tumagal ng 20-minuto.

Nabatid na aabot sa limang kilometrong taas ang ibinugang abo ng nasabing bulkan kung saan napadpad sa direksyon ng timog-kan­luran at hilagang-kan­luran.

Kabilang sa mga apek­tadong barangay ng ashfall ay ang mga Barangay Cogon, Gulang-Gulang, Bolos, Mon­bon at ang Barangay Gabao sa Irosin, maging ang mga Barangay Puting Sapa, Sang­kayon at Barangay Buraburan sa Bayan ng Juban sa Sor­sogon.

Nasa alert level no. 1 pa rin ang Mt. Bulusan na pina­niniwalaang aabot sa 20 ulit na sumabog noong nakali­pas ng taon at patuloy na  nagpapakita ng abnorma­lidad kung saan nagkaka­roon ng maliliit ng pagyaya­nig sa paligid ng nasabing bulkan.

Binalaan naman ng Phil­vocs, ang mga residente na nakatira sa paligid ng bulkan na pansamantalang huwag pumasok sa loob ng 4-Kilometer radius permanent danger zone dahil sa mapanganib na steam/ash explosion.

Sa kasalukuyan ay naka­handa ang Provincial Disaster and Coordinating Council para ilikas ang mga resi­denteng apektado sakaling manalasa ang nagbabagang lava. Ed Casulla at Angie Dela Cruz

ANGIE DELA CRUZ

BARANGAY BURABURAN

BARANGAY COGON

BARANGAY GABAO

BARANGAY PUTING SAPA

ED CASULLA

MT. BULUSAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with