^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper dedo, 9 pa arestado

-

CAMP OLIVAS, Pam­panga — Dalawang miyem­bro ng  nabuwag na notoryus robbery-holdup at gun-for-hire gang, ang kumpirma­dong napatay habang na­aresto naman ang siyam iba  pa sa naganap na madu­gong shootout laban sa mga tauhan ng pulisya sa Baran­gay Balite, Arayat, Pam­panga, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Keith Ernald Singian, pro­vincial police director, ang mga napatay na sina Virgilio “Ogie” Oronce, lider ng grupo at Dennis “Mokong” Bungkie.

Kabilang sa mga suspek na nasakote at sumasailalim sa masusing imbestigasyon ay sina Harrison “Sonson” de Leon, Bernie Martin “Sukoy” Santos, Jose Macasaquit, Benidicto Sigua Cuzon, Renato Sena Gutierrez, William Pineda Gutierrez, Wilmark Pineda Espinoza, Arjay Datu Cunanan at si Jonel Serrano Ocampo.

Napag-alamang bitbit ng  mga tauhan ng pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Adelaida Medina ng San Fernando City Regional Trial Court - Branch 45 sa na­banggit na barangay kung saan nakatira sina Oronce, Martin at de Leon nang mag­simulang magpaputok ang grupo ng mga holdaper hang­­gang sa sumiklab ang barilan.

Narekober sa mga sus­pek ang isang Ingram pis­tol, tatlong kalibre .45, apat na granada, isang .9mm pistol, isang bulletproof vest, mga magazine at iba’t ibang uri ng bala.

Ang grupo ni Oronce ay responsable sa serye ng holdapan sa iba’t ibang bayan sa Pampanga at ilan pagpatay kabilang ang isang barangay captain. (Resty Salvador/ Ric Sapnu at Dino Balabo)

ARJAY DATU CUNANAN

BENIDICTO SIGUA CUZON

BERNIE MARTIN

DINO BALABO

JONEL SERRANO OCAMPO

JOSE MACASAQUIT

JUDGE ADELAIDA MEDINA

ORONCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with