^

Probinsiya

2 katao naabo sa sunog

-

PANGASINAN – Dalawa-katao ang kumpirmadong namatay makaraang matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay Rizal sa bayan ng Natividad, Pan­gasinan noong Huwebes ng gabi. Ang mga biktimang halos maabo dahil sa sunog ay nakilalang sina Pascuala Resuello, 53; at Mary Jane Valencia, 22. Ayon sa mga im­bestigador, nagsimula ang apoy sa bahay ni Valencia bago kumalat sa kalapit na bahay ni Resuello. Agad namang naapula ang apoy ng mga tauhan ng pamatay-sunog mula sa mga bayan ng San Nicolas at Tayug. Ina­alam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy. Eva Visperas

Notoryus tulak timbog

CAVITE – Muling nakulong ang isang 37-anyos na mister na pinaniniwalaang notoryus drug pusher makaraang makumpiskahan ng 30 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Arnel Sacdalan ng Meridian Subd. ng nabanggit na bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, si Sacdalan ay tatlong beses nang naaresto ng pulisya sa kasong droga. Napag-alamang sa ulat ni PO2 Artemio Baculi, naaktuhan ang suspek na iniaabot ang droga na inilagay sa pakete ng sigarilyo sa isang pulis na nag­panggap na poseur buyer. Cristina Timbang

vuukle comment

ARNEL SACDALAN

ARTEMIO BACULI

AYON

BARANGAY RIZAL

CRISTINA TIMBANG

EVA VISPERAS

MARY JANE VALENCIA

PASCUALA RESUELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with