3 magkakaibigan inambus, patay
BULACAN – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng tatlong kalalakihan makaraang ratratin ng mga di-kilalang armadong kalala kihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Bulihan sa
Kabilang sa mga napaslang ay sina Dennis Pascual, trader, ng Luningling Street, Lagro, Quezon City; Salvador Durana, barangay tanod, ng North Fairview, Quezon City at si Orlando Santos, entertainer sa Japan, ng Sitio Bantayan 2nd ng nabanggit na barangay.
Samantala, nakaligtas naman si Violeto Echalico matapos na lumundag mula sa jeep.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni P/Inspector Armando Reyes, na sakay ng owner-type jeep na may plakang DRK 675, ang mga biktima nang tambangan ng mga armadong kalalakihang sakay ng dalawang L300 van bandang alas-7:30 ng gabi.
Napag-alamang bago maganap ang insidente ay bumisita sina Pascual, Durano at Echalico sa bahay ni Santos sa nabanggit na barangay. Makalipas ang ilang oras na kuwentuhan ay nakiangkas si Santos sa owner-type jeep ng tatlo, subali’t hindi pa nakakalayo sa kanilang bahay ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng baril.
Bulagta ang tatlo sa loob ng jeep habang nakuhang lumundag ni Echalico sa madamong bahagi ng highway.
Narekober ng mga tauhan ni P/Supt. Manuel Lukban, ang 40-basyo ng 9mm pistol, M16 armalite rifle at Cal. 45 pistol habang sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong paghihiganti ang isa sa motibo ng krimen. Boy S. Cruz at Dino Balabo
- Latest
- Trending