^

Probinsiya

Sundalo masisibak sa ‘bomb’ joke

- Ben Serrano -

BUTUAN CITY    Dahil sa bomb joke na namutawi sa bibig ng isang sundalo ng Philippine Marines, habam­buhay siyang hindi pahihin­tulutang sumakay sa alin­mang eroplano ng Cebu Pacific sa Butuan City Airport at posib­leng masibak pa sa tung­kulin.

Kinilala ng 10th Police for Aviation Security ang suspect na si Private First Class Jovane Mag-abo Ticano ng Remedios T. Romualdez sa Agusan del Norte at miyem­bro ng 1st Philippine Marine Battalion na nakabase sa Basilan.

Sa ulat ang Aviation Security personnel, si Ticano na nagtungo sa departure coun­ter ng Cebu Pacific sa May­nila ay nag-bomb joke ma­tapos na tanungin ng airport personnel kung ano ang nilalaman ng kanyang luggage.

Kahit nakangiti si Ticano habang inilalagay ang sari­ling luggage sa timbangan sa departure counter para lag­yan ng airline tag patungong Maynila ay kaagad naman humingi ng ayuda ang Cebu Pacific personnel sa Aviation Security Group para inspek­syunin ang bagahe ng nasa­bing sundalo.

Matapos ang masusing inspection sa bagahe ni Ta­cano ay wala naman naki­tang anumang pampasabog, pero hindi na siya pina­hin­tulutan ng pamunuan ng Cebu Pacific Airlines na ma­kasakay pa ng eroplano.

Sa ipinadalang advisory ng Cebu Pacific Airlines sa opisina ng PNP Aviation Security na pinagbabawalan si Ticano na makasakay sa alinmang flight ng Cebu Pacific sa Butuan City Airport.

Hindi naman iniulat kung sinampahan ng kaukulang kaso si Ticano sa nagawang bomb joke sa nasabing pali­paran. Matatandaang sina John Estrada at Jay Manalo na kapwa artista ng peliku­lang Pilipino ang inaresto at kina­suhan ng airport security ma­tapos  na magbirong may bomba sa kani-kanilang bagahe. Dagdag ulat ni Danilo Garcia

AVIATION SECURITY

AVIATION SECURITY GROUP

BUTUAN

CEBU PACIFIC

CEBU PACIFIC AIRLINES

PLACETYPE

SHY

TICANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with