^

Probinsiya

Inambus na Huwes patay na!

- Joy Cantos -

Kinarit na ni kamatayan kahapon ng umaga ang isang huwes na tinamba­ngan ng hindi pa nakikila­lang mga salarin sa Baya­wan City,  Negros Oriental noong Miyerkules.

Batay sa ulat ng Police Regional Office-7, ang bik­timang si Judge Orlando Velasco, 57, ng Bayawan City Regional Trial Court   ay namatay dakong alas-6:00 ng umaga sa Siliman University Medical Center sa Du­maguete City.

Noong una ay napaulat na nakakarekober na si Velasco makaraang opera­han subali’t dahil sa malub­hang tama ng bala sa liku­rang bahagi ng katawan ay nabigo ang mga doktor na sagipin ang buhay ng hukom.

Sa kasalukuyan ay blang­ko pa rin ang pulisya sa pag­kakakilanlan sa mga suspek matapos na pawalan ang dalawang naunang inaresto dahilan sa kawalan ng ma­tibay na ebidensya at nega­tibo ang mga ito sa paraffin test.

Ang biktima ay pinagba­baril noong Miyerkules da­kong alas-7:20 ng gabi habang kasama ang kan­yang misis galing sa isang birthday party sa naganap na insidente sa harapan ng kan­yang tahanan sa Villareal, Bayawan  City ng nasabing lalawigan ng dalawang ar­madong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Pinaniniwalaan namang ang krimen ay may kinala­man sa trabaho ng biktima dahil may senentensyahan itong dalawang drug dealer ng habambuhay na pagka­bilanggo kamakailan la­mang.

vuukle comment

BATAY

BAYAWAN

BAYAWAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE ORLANDO VELASCO

MIYERKULES

NEGROS ORIENTAL

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

SILIMAN UNIVERSITY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with