^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

-

CAMP CRAME — Sabog ang bungo at namatay ang isang barangay chairman matapos itong barilin ng shotgun ng ’di-kilalang lalaki habang nakikipag-inuman ang biktima sa sariling bakuran sa Barangay Bunot, Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jose Layan, habang naglaho sa dilim ang killer na pinani­niwalaang may matinding galit sa nabanggit na kabesa. Nabatid na nakikipag-inuman ng alak sa kaibigang si Rodolfo Incallado nang biglang lumapit at barilin sa ulo ang biktima. Joy Cantos

Bus vs truck: 12 naospital   

TUBA, Benguet – Labindalawang sibilyan ang naospital makara­ang masugatan sa sal­pukan ang dump truck at pampasaherong bus sa pakurbadang daang-bayan sa Camp 5, Ken­non Road sa Baguio City noong Biyernes ng hapon. Naisugod sa Baguio Medical Center sina Marinao Galista, Joy Lynn Manalo, Bryan Imbat, Sylvia Mahilay, Madelyn Omares, Ed­win Pio, Lilin Sapal, Walter Aglasi, Leslie Ann Labitigan at isang alyas Bumaquil. Samantala, ang dray­­ber ng dump truck (TGB 781) na si Buma­hil Paleyan at Eulogio Rho-ann ng Amianan Bus Liner (AVR 433) ay dinala naman sa Baguio General Hos­pital and Medical Center. Sa ulat ng Office Civil Defense-Cordillera at Operation 911, ang dalawang sasakyan ay nagsalpukan sa pakur­badang highway kaya nagdulot ng matinding pinsala at malagay sa panganib ang mga bik­tima. Artemio Dumlao

Bus hulog sa bangin: 15 grabe

LEGAZPI CITY — Labinlimang sibilyan ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mahulog ang sinasakyang pampasaherong bus sa bangin sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Taysan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kamakalawa ng madaling-araw. Kaagad namang naisugod sa Sipocot District Hospital sina Percival Valiente, Jocelyn Persia, Rosa Pojante, Ireneo Miro, Salva Gernate, Francisco Freo, Antonio Avila, Maribel Pajuilas, Estrelita Reyes, Pedro Alcasa Jr., Jovelito Portes, Rene Manijan,  Andres Jarito,  Wilmar Bar­tillo at si Edgar Saprad. Nakapiit ngayon sa him­pilan ng pulisya ang drayber ng Mega Bus Liner (TGY 804) na si Felix Veri ng Barangay Macalindog, Ligao City. Napag-alamang patungo sa Samar mula sa Metro Manila ang nasabing bus nang bumulusok sa bangin matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan. Ed Casulla

AMIANAN BUS LINER

ANDRES JARITO

ANTONIO AVILA

ARTEMIO DUMLAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with