4 kidnaper timbog, biktima nailigtas

MORONG, Rizal —  Kalaboso ang binagsa­kan ng apat na kala­lakihang kidnaper ma­ka­raang masabat ang sinasakyang traysikel na sakay rin ang dinu­kot na dalagang estud­yante sa itinayong PNP checkpoint sa Sitio Guillermo, Morong, Ri­zal kamakalawa ng gabi.

Sumasailalim sa tac­tical interrogation ang mga suspek na sina Niño Mationg, 25, lider ng grupo; Reynante Rotubio, 26; at ang dalawang menor-de-edad na lalaki na sad­yang itinago ang pagka­kakilanlan na pawang residente ng nabanggit na bayan.

Nailigtas naman sa tiyak na kapahamakan ang biktima na si Abe­gail Bumagat, 19, es­tud­yante at residente ng Binangonan, Rizal.

Sa ulat na naka­ra­ting sa Rizal provin­cial police office, na­aresto ang mga suspek da­kong alas-11:30 ng gabi matapos na maka­tang­gap ng tawag sa tele­pono ang mga ta­uhan ng pulis-Morong na may ka­ugna­yan sa apat na kalalakihan na dumukot sa isang da­laga sa Bi­nangonan, Rizal at po­sibleng hindi pa naka­kalayo.

Agad namang nag­tayo ng checkpoint ang pulisya at makalipas ang ilang minutong pag­hihintay ay dumaan ang traysikel ng mga suspek at hindi na na­ka­palag ang mga sakay nito nang siyasatin.

Namataan ng pulis­ya ang biktima na naka­piring pa ang mga mata at may busal pa ang bibig kaya agad na dinakip ang mga sus­pek at dinala sa him­pilan ng pulisya. Edwin Balasa

Show comments