Camp Vicente Lim, Laguna — Isang pulis at dalawang kabataan ang napatay matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Taytay, Palawan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Region 4-B Police Director Chief Superintendent Napoleon Cachuela ang mga nasawing biktima na sina PO3 Saturnino Lazo ng 413rd Police Provincial Mobile Group (PPMG); Jennifer Cortes, 13; at kapatid nitong si An-an, 7, pawang residente ng Taytay.
Nasugatan naman ang ina ng magkapatid na Cortes na si Nilda at Police Officer Walter Gapuz na kasalukuyang nagpapagamot sa Palawan Adventist Hospital.
Nabatid na nakisakay lang ang mga sibilyang biktima sa sasakyan ng PPMG habang bumabagtas ito sa isang daan sa naturang lugar nang tambangan at pagbabarilin sila ng mga rebelde. Arnel Ozaeta at Ed Amoroso