^

Probinsiya

Misyonerong Muslim kinatay ng Abu

- Joy Cantos -

CAMP AGUINALDO  Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang misyo­ne­rong Muslim na  nagsisilbing informer ng militar matapos pagputul-putulin ang kata­wan ay isinilid pa sa sako saka itinapon ng mga arma­dong kalalakihan na pina­niniwalaang grupo ng ban­didong Abu Sayyaf sa La­mitan, Basilan, kamakalawa.

Batay sa ulat, bandang alas-6 ng gabi nang matag­puan ng isang sibilyan ang tsinap chop na katawan ng misyonaryo na nakasilid sa sako sa madamong bahagi ng Barangay Balagtasan sa nabanggit na bayan.

Sa salaysay na ibinigay ng sibilyang residente sa nabanggit na barangay, pi­ nagpipiyestahan ng mga bangaw ang inabandonang sako nang mamataan niya sa masukal na bisinidad.

Sa pag-aakala na kung ano ang nasa loob ng sako ay kaniya itong binuksan kung saan ay halos panawan ito ng ulirat nang madisku­breng isang putul-putol na bangkay ng tao kaya agad naman nitong ipinagbigay-alam sa militar.

Kaagad namang kinon­dena ni 1st Marine Brigade Col. Ramiro Alivio, ang gi­nawa ng grupong Abu Sayyaf.

Ayon kay Alivio, ang bik­tima na itinago sa pangalang “Boy Muslim” ay siyang nagbibigay ng impormasyon sa militar hinggil sa illegal na aktibidades ng mga bandi­dong Abu Sayyaf na target ngayon ng opensiba ng mili­tar sa ilang bahagi ng Ba­silan.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay isang Muslim preacher sa bayan ng Albarka (dating Tipu-tipo) ang pinugutan na hinihinalang nagbibigay ng impormasyon sa militar hinggil sa kinaro­roonan ng bihag na si Italian priest Fr. Giancarlo Bossi.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALBARKA

BARANGAY BALAGTASAN

BOY MUSLIM

GIANCARLO BOSSI

MARINE BRIGADE COL

RAMIRO ALIVIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with