Killer ng obrero hinatulan
CAMARINES NORTE — Hinatulan ng mababang korte ang isang 50-anyos na lalaki matapos na mapatunayang pumatay sa kanyang kapitbahay na obrero noong Nobyembre 9, 2000 sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte.
Sa 9-pahinang desisyon ni Judge Arniel A. Dating ng Daet Regional Trial Court Branch 41, walo hanggang 12 taong pagkabilanggo ang ipinataw sa akusadong si Eutiquio P. Aldeza, alyas “Udong” ng Barangay Matango ng nabanggit na bayan.
Base sa record ng korte, pinagtataga ng akusado ang biktimang si Ramon Velacruz sa gitna ng kalsadang sakop ng nabanggit na barangay.
Binalewala ng korte ang alibi ng akusado na pagtatanggol sa sarili kaya niya napatay ang biktima, bagkus binigyang timbang ang testimonya ng tatlo para mahatulang mabilanggo ang una.
Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng P79,571 sa mga naulila ng biktima bilang danyos perwisyo. (Francis Elevado)
- Latest
- Trending