^

Probinsiya

Killing fields ng NPA inginuso

-

CAMP AGUINALDO  Pinaniniwalaang killing fields ng mga rebeldeng New People’s Army ang natag­puan ng pinagsanib na pu­wersa ng militar at pulisya na pinaglibingan ng sam­pung biktima ng summary execution sa bayan ng Ala­bel, Sa­ranggani kama­ka­lawa.

Sa ulat, nadiskubre ng tropa ng Army’s 56th Infantry Battalion at lokal na pu­lisya ang itinuturing na killing field ng mga rebelde ma­tapos na ituro ng mga rebel returnee.

Ayon sa testimonya, ma­liban sa sampung biktima ng summary execution ay ini­libing din sa nasabing killing fields ang mga rebeldeng na­patay sa sagupaan ng mi­litar.

Magugunita na ang Oplan Ahos o Operation Missing Link ng NPA noong 1980s ay namayagpag ang mga pagpatay sa mga nag­tataksil sa kilusang komu­nista.

Pinaniniwalaan namang ang mga nakalibing na re­belde sa nasabing lugar ay pawang mga tauhan ng opisyal ng NPA na kinilala sa alyas “Ka Warren.”

Kaugnay nito, nakatakda namang magpadala ng pang­­kat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang pulisya sa nasabing killing fields upang kumpir­mahin ang ulat. (Joy Cantos)

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA WARREN

NEW PEOPLE

OPERATION MISSING LINK

OPLAN AHOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with