^

Probinsiya

Sinaunang mapa nadiskubre

-

MOGPOG, Marinduque — Natagpuan ng mga ka­wani ng National Mapping Ins­titute ang mohon (landmark) na tumutukoy sa sentrong mapa ng Pilipinas.

Ang mohon ay nakalubog sa isang bahagi ng bundok na sakop ng  Mogpog, na ayon sa mga historian ay ini­lagay ito ng mga sundalong Amerikano noong 1901 upang alamin ang sentrong kinalalagyan ng bansa.

Opisyal na ipinaalam ng mga kawani ng National Mapping Institute kay Governor Jose Antonio Carreon, ang pagkakatuklas sa mo­hon na ayon naman sa go­bernador ay magiging ka­ragdagan ito sa aspeto ng turismo ng Marinduque.

Sinabi ng gobernador na bukod sa Moriones Festival na dinarayo tuwing Semana Santa, inaasahan niyang aangat nang husto ang tu­rismo sa kanilang probinsya dahil sa pagkakatuklas sa Center Map of the Philippines.

Dahil dito, ay inatasan ng gobernador ang Provincial Tourism Office na pangala­gaan ang mga water shed na sumasakop sa bundok na kinalalagyan ng mohon upang hindi ito masira sakaling maging sentro ng atensyon sa mga lokal at dayuhang turista ang nasabing lugar.

Plano rin ng pamaha­la­ang panlalawigan na mag­pa­gawa ng daang-bayan at terrain patungo sa nasabing lugar upang hindi mahirapan ang mga turista. (Tony San­doval)

CENTER MAP OF THE PHILIPPINES

GOVERNOR JOSE ANTONIO CARREON

MARINDUQUE

MORIONES FESTIVAL

NATIONAL MAPPING INS

NATIONAL MAPPING INSTITUTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with