^

Probinsiya

Mag-utol dinedo, ama nag-suicide

- Edwin Balasa -

ANTIPOLO CITY – Pi­na­niniwalaang matinding dep­resyon ang bumalot sa pag­katao ng isang mister na ini­wan ng sariling misis kaya na­patay nito ang dalawang anak bago nagpakamatay sa loob ng kanilang bahay sa Baran­gay Dela Paz, Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Tig-dalawang bala ng baril (9mm) sa katawan ang tuma­pos sa buhay ng mag-utol na Jaena, 22; at Jemar Ma­ca­pagal, 20. Saman­talang isang bala naman sa lalamunan na tumagos sa ulo ang tumapos kay Juanito Macapagal, 53, negosyante at pawang nanini­rahan sa #225 Purok Sumu­long ng nabanggit na baran­gay.

Sa imbestigasyong isinu­mite kay P/Supt. Danilo Ma­cerin, hepe ng himpilan ng pulisya sa Antipolo City, lumi­litaw na umuwing senglot si Juanito at dinatnan ang da­lawa nitong anak na dalaga’t binata na kausap ang nobya ng huli.

Napag-alamang tinanong ng ama ang mag-utol kung saan nagpunta ang kanilang ina na nakilalang si Arabella na lumayas may ilang araw na ang nakalipas.

Tumanggi namang sagu­tin ng mag-utol ang tanong ng ama kaya nag-alburoto sa galit at agad na pumasok ng kani­lang kuwarto at pagla­bas ay bitbit na ang baril at walang pakundangang pi­nag­babaril ang dalawa.

Matapos isagawa ang kri­men ay tinutukan pa ng sus­pek ang nobya ng kanyang anak, subalit imbes na iputok ito sa babae ay itinutok sa kan­yang lalamunan saka nagbaril sa harap ng nanga­ngatal na babae.

Naisugod pa sa Antipolo Doctors Hospital ang mag-utol subalit idineklarang patay na. 

Sa impormasyong naka­lap ng pulisya mula sa ilang kapit­bahay ng pamilya Ma­capagal, naging malu­lung­kutin si Juanito matapos lumayas ang asawa nito na halos araw-araw ay ginugulpi at posibleng sinapian ng ma­tinding depres­yon kaya na­patay ang dala­wang anak bago nagbaril sa sarili ang lalaki.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO DOCTORS HOSPITAL

DANILO MA

DELA PAZ

JEMAR MA

JUANITO

JUANITO MACAPAGAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with