^

Probinsiya

Tiktik ng militar nilikida

-

LEGAZPI CITY  ­— Niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang magsasaka na pinanini­walaang tiktik ng militar at pulisya sa isa na namang paghahasik ng karahasan ng makakaliwang kilusan sa Barangay Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jose Pena na sinalubong ng mga ’di-kilalang kalalakihan habang papauwi mula sa pagbisita sa kanyang kaibigang magsasaka. Ayon sa ulat ng pulisya, inakusahan na nakikipag-ugnayan sa tropa ng pamahalaan at inakalang nagbibigay ng impormasyon sa mga ikinikilos ng NPA kaya pinatahimik ang biktima. (Ed Casulla)

Naghagis ng granada sumuko

NUEVA ECIJA ­ —  Sumuko na noong Huwebes kay Nueva Ecija Gov. Aurelio M. Umali, ang itinuturong suspek sa paghagis ng granada sa isang birthday party sa bayan ng Carranglan noong Martes ng gabi na ikinasugat ng 16-katao. Pormal namang kinasuhan ang suspek na si Pablito Domingo Sr., 44, asst. chief ng Bantay-Bayan sa Barangay TL Padilla. Sa text message ni Lt. Col. Joselito Kakilala, hepe ng 48th Infantry Battalion, ang suspek ay nagpadala ng surrender feelers matapos na malamang nagsasagawa ng malawakang pagtugis sa kanya kaya nagpasama ito kay Bokal Joseph Ortiz para sumuko sa nabanggit na opisyal. (Christian Ryan Sta. Ana)

Lolo inasunto ng rape

NUEVA ECIJA — Ipinagharap ng kasong rape ang isang74-anyos na lolo ng isang menor-de-edad na babae sa naganap na krimen noong Sabado ng Mayo 12 sa bakuran ng paaralan sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija. Dinidinig ang kasong isinampa ng biktimang grade 6 ng Barangay San Juan South laban sa suspek na si Orlando “Mang Lando” Reyes sa opisina ni Prosecutor Edwin Bonifacio ng Provincial Prosecutor’s Office. Po­sibleng may lumutang pang ibang biktima na pinani­niwalaang inalok ng halaga ng suspek para maisagawa ang maitim na balak. (Christian Ryan Sta. Ana )

vuukle comment

AURELIO M

BARANGAY SAN JUAN SOUTH

BARANGAY STA

BOKAL JOSEPH ORTIZ

CHRISTIAN RYAN STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with